Tracy Morgan, nasa kritikal na kondisyon matapos ang isang deadly crash sa New Jersey!

  • 9 years ago
Ang komedyante na si Tracy Morgan, nananatili sa kritikal na kondisyon matapos ang aksidente.

Ayon sa mga report, ang aktor at komedyante na si Tracy Morgan ay rumirispondi sa treatment noong Linggo, pero nananatili sa kritikal na kondisyon, isang araw matapos ang deadly crash sa New Jersey turnpike, kung saan nasangkot ang anim na sasakyan, at kung saan namatay ang kanyang kaibigan, ang komedyante na si James 'Jimmy Mack' McNair. Apat na tao, kung saan kabilang si Morgan, ang nasaktan sa aksidente.

Naniniwala ang pulis na nangyari ang crash sa Cranbury, nan gang truck driver na si Kevin Roper ay nakatulog habang nagmamaneho, at hindi nakitang bumagal ang traffic sa kaldasa.

Huli na nang lumiko si Roper, para iwasan ang Mercedes limo bus na sinasakyan ni Morgan, at nabangga niya ito sa likod -- at napaikot at napabaligtad ang limo.

Dahil dito, ay nagsimula ang isang chain-reaction crash, kung saan nasangkot ang isa pang tractor-trailer, isang SUV, at dalawang kotse. Lahat ng namatay at nasaktan ay nasa Mercedes limo bus. Nabali ang buto sa paa, ilong, at ribs ni Morgan. Ipagdasal po natin sila.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended