Joseph Robert Wilcox, sinakripisyo ang buhay para mapigilan ang Las Vegas shooters!

  • 9 years ago
Joseph Robert Wilcox, sinakripisyo ang buhay para mapigilan ang Las Vegas shooters!


Joseph Robert Wilcox: isang mabuting tao, na nagkataong may baril.

Si Joseph Robert Wilcox ay itinatawag na hero, matapos niyang isakripisyo ang kanyang buhay para mapigilan sina Jerad at Amanda Miller, sa gitna ng kanilang shooting spree sa Las Vegas.

Ang mag-asawang Miller ay nambaril na ng dalawang police officers sa Cici's Pizza, bago sila tumakbo patungo sa isang Wal-Mart.

Sa loob ng Wal-Mart, ay nagpaputok ng baril si Jerad at nagsisigaw. Si Wilcox, na may dalang concealed handgun, ay sinabi sa kanyang kaibigan na gagawa siya ng paraan para pigilan ang mga shooters.

Nilapitan niya sa likod si Jerad, na balak niyang barilin, pero hindi niya alam na kasama ni Jerad si Amanda. Binaril ni Amanda si Wilcox nang ilang beses -- close range.

Ayon sa tito ni Wilcox na si John Wilson, ang kanyang pamangkin ay hindi 'political.' Naniwala lang siya sa karapatan niyang magkaroon ng armas, at sa karapatan niyang protektahan ang kanyang sarili, at ibang taong nasa panganib.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended