Lalaki sa China, naligtas matapos matagusan ng kahoy sa dibdib!

  • 9 years ago
Lalaki sa China, naligtas matapos matagusan ng kahoy sa dibdib!


Isang lalaki, naligtas matapos matagusan ng kahoy sa dibdib!

Isnag Chinese truck driver ang naligtas mula sa isang pangyayaring nakikita lang natin sa mga pelikulang Dracula!

Lahat ng mga sangkot sa istoryang ito ay masyadong magkalapit na nagmamaneho...at ang truck na nagdadala ng kahoy ay may mga safety issues.

Minaneho ni Li Feng ng Kaifeng City sa Henan Province ang kanyang truck noong isang linggo, at siya ay nasangkot sa isang multi-vehicle accident.

Hindi napahinto ni Li ang kanyang truck, at bumangga ito sa truck na nagdadala ng mga mahahabang pirasong kahoy.

Nang magkabanggaan ang dalawang sasakyan, isang pirasong kahoy, na may 6 meters ang haba, ang tumagos sa windshield...at dumiretso at tumagos rin sa katawan ni Li.

Natamaan ang tiyan, pali at kaliwang baga ni Li, pero naiwasan ang kanyang mga vtal organs...ayon sa mga doktor, muntikan nang matamaan ang kanyang puso!

Inaasahang makakapagpagaling nang maayos si Li...at sa susunod sana ay iwasan niyang magmaneho nang napakalapit sa mga truck na may dalang delikadong kagamitan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended