Teenager, nagbenta ng brownies na may marijuana, para makabili ng prom dress!

  • 9 years ago
Babae, nagbenta ng brownies na may marijuana, para makabili ng prom dress!

Isang babae sa California ang nagbenta ng brownies na may marijuana, para makabili ng prom dress -- at siya ngayon ay maaring ma-deport mula sa US!

Si Saira Munoz ay 18 years old, at estudyante sa River Valley High School sa Yuba city, California.

March 2013 noon, at nalalapit na ang kanilang prom. Para kumita ng perang pambili ng bestida, nagbenta si Munoz ng brownies na may halong marijuana. Humingi siya ng tulong mula sa dalawang nakakababata niyang kaklase sa pagbenta ng mga ito.

Nahuli sila ng isang faculty member, matapos magkasakit ang isa sa mga batang kumain ng brownies.

Itong linggo, nahatulan si Munoz ng Sutter County Superior Court ng guilty, sa child endangerment at misdemeanor possession of marijuana.

Maaring ma-deport si Munoz dahil dito. Siya ay nag-immigrate sa US noong 2000, noong siya ay limang taong gulang pa lamang.

Baka pwedeng ipadala na lang siya ng mga awtoridad sa Colorado?





For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended