Sochi Winter Olympics: dalawang tao sa isang banyo!

  • 9 years ago
Sochi Winter Olympics: dalawang tao sa isang banyo!


Nasa news na naman ang Winter Olympics sa Sochi -- pero this time, para sa banyo! Ang BBC reporter na si Steve Rosenberg ay itinweet ang litrato ng dalawang inodorong magkatabi sa issnag cubicle, sa cross-country skiing at biathlon center!

Natural ay napag-usapan ito. Imagine, nagmamadali kang gumamit ng banyo, para lang may tumabi sa iyo?!

Ang kakaibang placement ng tissue paper ay pinapaalam din na isang tao ang makakaranas ng free show!

May mga nagsabi na ang pangalawang inodoro ay para sa mga security guards, para feeling safe ka habang nasa banyo.

Ayon sa mga Russians, ang kambal na inodoro ay para kay Putin at Medvedev, para maayos nila ang kanilang relasyon.

Pwede ring ituring na isang ligtas na lugar ang kambal na banyo, para sa mga LGBT, dahil ang Russia ay isang anti-gay na bansa.

O baka naman ito ay ginawa ng Russia para hindi ma-boycott nang tuluyan ang Winter Olympics?

Habang naghahanap ng paliwanag ang mga taga-Russia, panoorin na lang natin ang SNL Love Toilet!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH