Philadelphia Eagles fans, pinagtulungan at binugbog ang isang Detroit Lions fan

  • 9 years ago
Philadelphia Eagles fans, pinagtulungan at binugbog ang isang Detroit Lions fan

Matapos matalo ng Philadelphia Eagles ang Detroit Lions, 34-20, noong Sunday, isang grupo ng Eagles fans ang nagdesisyong mag-celebrate sa pamamagitan ng pambugbog ng isang kawawang Lions fan, na nakasuot ng Barry Sanders jersey.

Habang naglalakad papunta sa tren ang biktima, anim na Eagles fans ang humabol sa kanya. Sinigawan nila ang lalaki, at pinagbabato ng snowballs.

Pagtawid ng lalaki papunta sa tren, hinarang siya ng anim na fans, at ang pinakamaliit sa kanila ang humampas sa ulo ng biktima.

Pagkatapos ay sunod-sunod nang nanakit ang grupo ng anim na fans. Nakasuntok ang biktima sa isa sa kanila, pero hindi niya nakayanang labanan ang lahat.

Pagkagising ng biktima, isang Eagles fan ang tumulong sa kanya. Pagkarining ng Eagles fan ang ginawa ng anim niyang kapwa fans, at tinapon niya ang kanyang Eagles jersey sa basurahan.

Hinahanap ng pulis ang grupo ng fans, na nasa kanilang 20s, at nakasuot ng Eagles jerseys. Mukhang mahihirapan silang hanapin ang mga walanghiya dahil wala silang ibang impormasyon.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH