Sikat na coach, nalasing at nag-roller-skating sa highway sa Taiwan!

  • 9 years ago
Sikat na coach, nalasing at nag-roller-skating sa highway sa Taiwan!

Isang roller-skating coach, nag-quit matapos mag-skate nang lasing sa isang highway tunnel!

Isang sikat na roller-skating coach ang nahuling nag-skate nang lasing sa Hsuehshan Tunnel (雪山隧道), ang pinakamahabang tunnel sa Taiwan, na nagko-connect sa Taipei at Ilan.

Si楊嘉祥, 44 years old, ay nakapag-representa sa Taiwan sa maraming international na roller skating competitions. Ayon sa pulis, nag-attend siya ng isang dinner party sa Ilan, kasama ang kanyang asawa, at ditto siya nalasing. Nag-away ang mag-asawa habang pauwi sa Taipei, na naging dahilan kung bakit bumaba ng kotse si Yang, at nag-roller skate sa highway.

Ni-report ng mga saksi ang insidente sa pulis, na hinabol si Yang nang 1.7 kilometers. Si Yang ay namultahan ng lampas sa halagang 100 USD, para sa paglabag ng Road Traffic Regulations.

Naiwan ng isang gabi si Yang sa police station, matapos sabihin ng kanyang asawa na hindi niya masisiguradong hindi ito mauulit muli.

Tinakbuhan ni Yang ang mga reporters, pero humingi ng paumanhin mula sa publiko. Nagsisisi raw siya sa kanyang nagawa, at hindi na raw siya babalik sa kanyang trabaho, dahil nahihiya siya sa kanyang mga estudyante. Nangako rin ito na hindi na siya iinom, at magiging mas mabuting ehemplo para sa ibang tao.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended