Mag-hot springs, kasama ang Taiwanese actress na si Xiao Xiao Yu!

  • 9 years ago
Mag-hot springs, kasama ang Taiwanese actress na si Xiao Xiao Yu!

Ang Taiwanese na aktres na si Xiao Xiao Yu, ay namasyal sa hot springs sa Wulai, Taipei County, kung saan naipakita niya ang kanyang seksing katawan.

Si Xiao Xiao Yu, na 27 years old, ay nakilala matapos siyang masali sa TV series na Feng Shui Family, o 風水世家.

Ang kanyang karakter ay isang kontrabida, na ikinaiinis ng maraming viewers. Ayon sa aktres, tatlong bagay ang kanyang ginagawa para maging isang kapani-paniwalang kontrabida. Ito ay ang pagsimangot, ang pagpapakita ng kasamaan sa kanyang mga mata, at ang paggawa ng "bitchy woman look" sa kanyang mukha.

Dahil sa kanyang "super bitchy acting," ang ratings ng show ay pataas ng pataas. Dahil dito, ay naging sobrang busy si Xiao Xiao Yu, at madalas na magpuyat. Normal daw sa kanya ang matulog ng tatlong oras sa isang araw. At dahil sa interview na ito, ay isa't kalahating oras lamang ang kanyang tulog!

Galing sa shooting ay nakauwi ang aktres ng also otso y media ng umaga, at umalis siyang muli ng alas diyes ng umaga matapos hugasan ang kanyang buhok. Sa sobrang pagod niya minsan, ay gusto niyang umiyak.

Sabi naman ng reporter, huwag kang umiyak! Mag-hot springs ka na lang para makapag-relax ka! Sabay tanong kung pwede niyang masahihin ang kanyang sarili. Mga reporter talaga, oo!

Ayon kay Xiao Xiao Yu, gusto niyang magpapayat para siya raw ay magka-boyfriend. Matagal na raw siyang single, pero marami naman siyang admirers kaya okay lang rin.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended