Joe Jonas, inamin na pinilit siyang mag-marijuana ni Miley Cyrus sa Amsterdam!
  • 9 years ago
Joe Jonas, inamin na pinilit siyang mag-marijuana ni Miley Cyrus sa Amsterdam!

Sa isang interview para sa Vulture.com, ang singer na si Joe Jonas ay umamin na rin, sa wakas, tungkol sa kanyang koneksiyon kay Miley Cyrus.

Ayon kay Joe, si Miley ang nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang pagtikim ng marijuana!

Noong si Joe ay 17 years old pa lamang, tumambay ito kasama si Miley, at Demi Lovato, sa isang bar sa Amsterdam.

Pinasa raw ni Miley at Demi ang kanilang hinihithit na marijuana kay Joe, at na-peer pressure daw si Joe na humithit rin.

Kung tutuusin, ay hindi naman na ito masyadong nakakskandalo para kay Joe. Ang nakakaskandalo ay ang edad nina Demi at Miley, na mas bata ng tatlong taon kay Joe! Ibig sabihin, 14 years old pa lang sila ay marooning nang mag-marijuana?!

Pero back to Joe: baka pwede siyang gumawa ng isang documentary tungkol sa kanyang mga paghihirap dahil sa kanyang pangakong manatiling virgin hanggang sa siya ay 20 years old?

Pwede rin niyang sundan ang yapak ni Miley, at mag-pose nang nakahubad para kay Uncle Terry Richardson!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended