Japanese restaurant chain, nahuling nagpapakain ng tira-tira sa mga customer!

  • 9 years ago
Japanese restaurant chain, nahuling nagpapakain ng tira-tira sa mga customer!

Nasira ang reputasyon ng Tokyo-based na Wako (wa-KOU) Group, na namamamahala sa isang chain ng Japanese-style fried pork cutlet na restaurant -- matapos mahuli ang isa sa mga branch nito, na gumagamit ng tira-tira at patapon na gulay para sa mga customer.

Ang branch na ito, ay nasa high-end na Ginza, Tokyo, at nai-re[ort na gumagamit ng pagkain na dapat nang itapon.

Ang location na ito ay nag-o-offer ng maraming sariwang gulay sa isang buffet, na maaring pagpilian ng kanilang mga customer.

Pero, nang naubusan sila ng sariwang gulay, ay kumukuha raw ang staff sa kanilang stock, na naka-markang patapon na.

Ang manager at head chef dawn g branch na ito ang nagbigay ng pahintulot na gawin ito ng staff. Ayon sa head office ng chain, aayusin daw nila ito para maibalik ang tiwala sa kanila ng kanilang mga customer, at sisiguraduhin nilang ma-retrain ang kanilang mga staff.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended