Cindy Jacobs, propetang pinagkakaguluhan ngayon sa Pilipinas

  • 9 years ago
Cindy Jacobs, propetang pinagkakaguluhan ngayon sa Pilipinas

Ang propesiya ng Amerikanang propeta na si Cindy Jacobs, para sa Pilipinas, ay kumalat sa internet.

Ang trahedyang iniwan ng Super Typhoon Yolanda sa Pilipinas itong nakaraang linggo, ay naging senyales para sa marami na maghanap ng solusyon sa pamamagitan ng relihiyon. At may mga tumungo sa isang propetang nangngangalang Cindy Jacobs, isang televangelist sa Estados Unidos.

Ayon sa propeta, na lumaki sa Texas, maari siyang makipag-usap sa Panginoon. Noong 2009 ay gumawa siya ng isang video, kung saan hinulaan nya magkakaroon ng 'paghihirap' ang Pilipinas.

Kahit na walang katiyakan ang kanyang propesiya, marami ang nakikinig kay Jacobs, na nagpupunta sa iba't ibang lugar sa buong mundo para ipamahagi sa mga nangangailangan ang kanyang mga propesiya.

Ayon kay Jacobs, napabuhay niya ang isang Pakistani na batang namatay, sa pamamagitan ng kanyang supernatural na abilidad.

Ang tanong namin: sino ang mas magaling, si Cindy Jacobs o si Miss Cleo? Mag-iwan ng comments.

Recommended