PEP Rewind: Jovit Baldivino remembers losing hope during Pilipinas Got Talent audition

  • last year
Sa panayam kay Jovit Baldivino noong 2014 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) online show na PEP Talk Flash, binalikan ng singer ang kanyang pag-a-audition noon sa Pilipinas Got Talent.

Pagtatapat ni Jovit, nawawalan na raw siya noon ng pag-asang makapasok man lang sa Kapamilya talent search.

Bukod sa napakarami nilang nag-audition, kasabayan niya raw roon ang iba pang singers na tumalo na sa kanya noon sa mga nauna na niyang sinalihang paligsahan sa kantahan sa Batangas.

Sabi raw sa kanya ng mga taga-Pilipinas Got Talent pagkatapos niyang mag-audition, tatawagan siya "in one week."

Pero lumipas na ang tatlong buwan, wala siyang narinig na tawag mula sa mga ito.

Kaya nasabi ni Jovit noon sa sarili, "Wala na. Wala na akong pag-asa."

Patuloy niya, "Then, bago po mag-four months, tumawag sila sa akin. Sabi nila sa akin, pasok daw po ako sa second elimination.

"Natuwa ako, kasi... Ang problema ko na lang, pamasahe at saka minus one. Kasi wala akong pamasahe, wala akong minus one."

Nangutang na lang daw si Jovit ng pera papunta sa ABS-CBN at hinanda ang sarili kung sakaling maglakad na lang siya pauwi. Mabuti naman daw at sapat ang pamasaheng nautang niya paluwas at pauwing Batangas.

Hindi naman daw niya akalain na sa second elimination ay haharap na siya mismo sa tatlong judges ng Pilipinas Got Talent na sina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, at former ABS-CBN president na si Freddie "FMG" Garcia.

Bago umawit, nagpauna na raw siya noon kina Kris, Ai-Ai, at FMG na hindi siya magaling na singer at marunong lang daw siyang kumanta. Hilig lang daw niya talaga ito at gusto lang niyang matupad ang kanyang pangarap bilang singer.

Nakapasa naman si Jovit sa second round ng audition at bago matapos ang buong unang season ng show, siya ang itinanghal na unang Pilipinas Got Talent winner nung 2010.

"Awa po ng Diyos, nakarating po ako dito, hindi ko po akalain. Na hanggang sa ngayon, nakatulong pa po ako sa iba. Nabigyan ko sila ng inspirasyon para maging isang katulad ko po," lahad pa ni Jovit.

Si Jovit ay mula sa isang mahirap na pamilya sa Batangas. Bago nag-audition sa Pilipinas Got Talent, isa siyang high school student na tumutulong sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda ng siomai at pagsali sa mga singing contest.

[ArticleReco:{"articles":["170197","170229","170206","170201"], "widget":"Hot Stories"}]

#JovitBaldivino #RIPJovitBaldivino #pephotstory

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended