Isla sa bayan ng Tubigon sa Bohol, unti-unti na raw lumulubog | Kapuso Mo, Jessica Soho

  • 8 days ago
Ang mga taga-Batasan Island sa bayan ng Tubigon sa Bohol, ramdam ang unti-unting paglubog ng kanilang isla!


Ang kanilang kalsada at basketball court kasi, naging instant swimming pool na! Maging ang mga eskuwelahan, lubog sa tubig sa tuwing nagkakaroon ng high tide.

Si Jessica Soho, lumipad papuntang Bohol para alamin ang kanilang sitwasyon.

Ano ang ginagawang paghahanda ng mga residente at ng lokal na pamahalaan kung sakaling tuluyan nang mabura ang kanilang isla sa mapa dahil sa banta ng nagbabagong klima?

Gaano nga rin ba kahanda ang Pilipinas sa epekto ng climate change?

Recommended