VIDEO: US Marine sa Afghanistan, naligtas matapos mabaril ng sniper sa ulo!

  • 9 years ago
Marine sa Afghanistan, naligtas matapos siyang mabaril ng isang sniper sa ulo!

Isang US Marine ang naligtas mula sa isang sniper headshot sa Afghanistan, habang nakunan ng isa niyang squad member ang buong pangyayari, sa kanyang helmet camera!

Nagsimula ang video sa tatlong marines, na pinasok ang isang building.

Nire-record ng marine, na nasa pinaka likuran, ang mga pangyayari sa kanyang helmet cam. Napadaan ang tatlo sa isang opening, bago sila pumasok sa isang mahabang corridor na puno ng kahoy. Naglakad sila sa corridor, para puntahan ang isang opening sa dulo nito.

Paabante na ang tatlo, nang isang sniper bullet ang biglang tumama sa helmet ng ikalawang marine, na napaatras!

Bumalik sa kanilang original point ang tatlong sundalo, na nai-radyo ang tungkol sa sniper.

Sinabi ng marine na may suot na helmet cam sa isa pang marine, na nakita niya itong nabaril…tinanggal ng marine ang kanyang helmet para inspeksyunan ang damage. Buti nalang at walang nasaktan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended