Django Unchained actress Daniele Watts, napagkamalang prostitute ng mga pulis!

  • 9 years ago
Aktres, hinalikan ang boyfriend; napagkamalang prostitute ng mga pulis!

Mukha ba silang nagmamahalan na mag-boyfriend, o isang lalaking binayaran ang isang prostitute?

Maaring nakilala niyo si Daniele Watts, na gumanap ng Coco sa pelikulang Django Unchained.

Noong Biyernes, sa Los Angeles, na-detain si Watts ng mga pulis, dahil inakala nilang prostitute ang aktres! Teka --- hindi iyan ang pulis, iyan si Watts na nagpanggap na pulis sa TV show ns “Weeds.”

Heto ang litrato ng tunay na police officers, na kinuwestiyon ang aktres para sa suspected prostitution.

Sinabi ni Watts sa isang interview sa ABC, na hinahalikan niya ang kanyang boyfriend na si Brian Lucas, habang nakaupo siya sa kandungan niyo, sa isang naka-park na kotse sa Studio City, California.

Isang lalaking naka-suit ang lumapit sa kanila, at sinabing, “huwag kayong ganyan at may mga tao dito na kailangang magtrabaho.”

Nasa labas ng kotse si Watts, kausap ang kanyang ama sa telepono, nang dumating ang pulis, na rumispondi sa report ng indecent exposure.

Tinanong ng mga pulis si Lucas ng, “paano mo kilala ang babaeng iyon,” kaya nag-post si Lucas na naniniwala siyang inakala ng pulis na si Watts ay isang prostitute na kanyang binayaran.

Sinabi ni Watts sa mga officers na wala naman siyang ginawang mali, pero nang tumanggi siyang magpakita ng ID, ay hinandcuff siya ng mga pulis.

Habang nasa likod siya ng squad car, naalala ni Watts na ang kanyang ama ay nagkaroon din ng nakakahiyang karanasan pagdating sa mga awtoridad.

Nang naiayos na ang lahat, ay nai-release din si Watts.

Nag-release ng statement ang LAPD, na kinumpirmang pinahinto nila ang mag-boyfriend, at walang krimen na naganap.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended