2014 Taipei Game Show, may 1,000 booths para sa mga gamers!
  • 9 years ago
2014 Taipei Game Show, may 1,000 booths para sa mga gamers!


Ang 2014 Taipei Game Show, nag-set ng bagong record sa halos isang libong booths!

Ang 2014 Taipei Game Show ang pinakamalaking game exhibition sa Taiwan, at ito ay nagsimula itong nakaraang linggo, sa Taipei World Trade Center. Halos isang libong booths ang maari mong puntahan sa loob ng trade center; ito na ang pinakapanalong taon mula nang simulan ang game show noong 2002.

Ang Mad Head, na developer ng popular na mobile game "Tower of Saviors (神魔之塔)," ay kauna-unahang beses na nag-attend ng Taipei Game Show itong taon. Okupado ng Mad Head ang halos tatlong daang booths, at ang mga bisita ay kailangang makipaglaban sa top 27 gamers para makakuha ng libreng regalo.

Ang Wargaming.net, na developer ng World of Tanks, ay nag-pri-prisinta ng mobile at Xbox na version ng kanilang game.

Ang Garena, na gumawa ng League of Legends sa Southeast Asia, ay pinakita ang pinakabago nilang games sa mga fans.

Ayon sa mga experts at pro gamers, ang mobile gaming daw ay nakakakuha ng markey share mula sa tradisyonal na PC gaming, kahit na ang PC games ay gusto pa rin ng mga gamers dahil mas maganda ang kanilang audio at visual effects.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended